WAK-a WAK-a

nakakatawang isipin na naging “ka-loveteam” ko si Jam dati. kalokohan nga lang pero minahal ko siya… minahal bilang isang importanteng kaibigan. (wag masyadong feeler kasi)

nakakatuwa dahil sa dami ng aming pinagdaanang awayan, tampuhan, isnaban, at kung anu-ano pang ka-echosan, ay nananatiling matibay ang aming pagkakaibigan.

hindi ko naman masasabi na talagang close kame, pero importante siya sa buhay ko at sa buhay ng iba naming mga kaibigan.

nakakatawa siya. hindi yun pwedeng i-deny. isa siya sa mga nagdadala ng saya sa araw ng bawat isang tao, lalo na sa kanyang mga kaibigan. ngunit may iba pang bagay tungkol kay Jam… hindi lamang siya puro katuwaan. sa kaibuturan ng katawang lupa na tadtad ng nunal, kaunting peklat mula sa kabataan, ang tonetoneladang taba na nagpapainit sa kanyang katawan, ay isang tao, isang tao na mapagmahal, maunawain, maalalahanin, at higit sa lahat MAGANDA… (ang ugali).

MALAKI rin and kanyang… puso. lahat na lang ng tao pinagkakasya siya sa loob ng kanyang puso. kaya siguro lumaki ng lumaki yung… PUSO niya.

nakakatawang isipin na sa araw na ito ay BENTE na siya. nakakatawa dahil, bente na nga at magtatapos na siya nga kolehiyo, yung kanyang height ay pang first communion pa rin.

kaloka tong babaeng to. paminsan ay mapagkakamalang babaeng-bakla. wala na akong masasabi pa. SIYA NA GAD.

Jam, HAPPY BIRTHDAY! i wish you all successes in life.

-secreto para bibo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: